• Buwan ng Wika

    Matagumpay na ipinagdiwang ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng St. Theresa's College, Q. C ang Buwan ng Wika 2019. Naipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagmamahal sa wikang Filipino maging sa iba't ibang katutubong wika sa pamamagitan ng mga makabuluhang gawain.

    Ang pagtatapos ng buwan ng wika ay naging mas makahulugan sa mga mag-aaral dahil sa pagdalo ng isa sa mga haligi ng musika, partikular sa pagpapalaganap ng kamalayan sa pagsasanib ng Katutubo at Modernong Musikang Pilipino, na si Ginoong Jose Iñigo Homer Lacambra Ayala, na mas kilala bilang Joey Ayala.

    Isang malugod na pagbati sa inyo mga Teresa. Patuloy ninyong gamitin at ipalaganap ang wikang Filipino maging ang mga wikang katutubo tungo sa isang nagkakaisang lipunan.

    Alamin kung paano maging bahagi ng pamilya ng #stcqc: www.stcqc.edu.ph.

    #theresian #preschool #gradeschool #highschool #seniorhighschool #ballet

 
SiteLock